Himagsik Laban sa Hidwang Pananampalataya
Ikalawang Himagsik: Himagsik Laban sa Hidwang Pananampalataya Ni: Crystal Mae G. Banias Ang himagsik na ito ay isa sa mga ipinahiwatig ni Francisco Balagtas sa kanyang akdang Florante at Laura. Tumatalakay ito sa pagtaliwas ni Balagtas mula sa usapin noon na ang mga Moro ay masasama o taksil. Tumatalakay din ito sa pag-aaway away ng mga Moro at Kristiyano na noon ay karaniwan na. Hindi katulad ngayon na mayroon tayo ng kalayaan sa ating pananampalataya, sa panahon ng Espanyol noon, iisa lamang and turing at kapangyarihan ng pamahalaan at simbahan kahit ito'y magkaiba sa salita. Kung kaya, ang lahat na sinasakupan ng mga Kastila noon ay may iisang relihiyon, ang Iglesya Apostolika Romana na siyang kinikilala ng pamahalaang religion official del estado . Iglesya Apostolika Romana: mas kinikilala na ngayong Roman Catholic Apostolic Church , na kilala sa mga bansa na nagsasalita ng Espanyol bil...